NEW DELHI – PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging pahayag ng Tsina na ang Pilipinas ay isang “puppet state” ng Estados Unidos at ng mga kapanalig nito.
Hindi rin tanggap ng Pilipinas ang pahayag ng Tsina na ang bansa ay nagpapasimuno ng kawalang katatagan sa rehiyon sa utos ng mga makapangyarihang bansa. Giit ng Pangulo, ang Pilipinas ay kumikilos sa sarili nitong kapasidad upang itaguyod ang soberanya at ipagtanggol ang pambansang interes.
Sa isang panayam kasama ang Indian news outlet Firstpost noong Miyerkules, hindi nagustuhan ni Pangulong Marcos ang pasaring ng Tsina na ang pagpapalalim ng ugnayang panseguridad sa mga bansang gaya ng Estados Unidos at India ay ginagawa lamang upang gawing “proxy” ang Pilipinas.
“That would imply we do not have our own agency, that we are just bystanders told what to do. That is certainly not the case,” ani Pangulong Marcos.
“It does, I suppose, serve that narrative — that we are acting as a… I don’t know… as a puppet state to the United States, to all the allies of the United States. I think it doesn’t take very much reading and discussing to see very, very clearly, very, very quickly that that’s simply not true,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang mga kilos at aksyon ng Pilipinas “are not driven by foreign interests, but by a constitutional mandate to protect its own territory and people.”
“What we do in the Philippines is because it is our duty as officials, as leaders, as citizens to defend our country,” ani pa ng Pangulo.
Tinuran pa niya na ang mga strategic partnership ng Pilipinas ay nakabatay sa “shared values, mutual respect, at a common interest” sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific.
“Friends like India, the United States, Australia, South Korea, Japan — who are also feeling that they must defend their own territory and sovereignty — are joining forces. Who are we to turn down such assistance and such help?” ayon sa Pangulo. Kris Jose