Home HOME BANNER STORY Batanes pinalibutan ng 3 barko ng China Coast Guard

Batanes pinalibutan ng 3 barko ng China Coast Guard

217
0

MANILA, Philippines – Napapaligiran na ang Batanes ng tatlong barko ng China Coast Guard na nagpapatrolya sa silangan at kanlurang bahagi ng Batanes.

Ayon kay SeaLight director Ray Powell, namataan ang CCG ship 4304 sa layong 60 nautical miles kanluran ng Batanes, habang ang CCG ship 3301 at 3304 ay namataan naman 70 nautical miles sa kanlurang bahagi ng probinsya.

Sa post nitong Huwebes, Agosto 7, sinabi ni Powell na ang posisyon ng tatlong barko ay bumuo ng bracketing pattern, kung saan ang mga barko ay nasa magkabilang panig ng isang lugar.

“Yes, bracketing in the sense that they are patrolling both east and west sides of Batanes,” ani Powell.

“I think this is really significant, as I’ve never seen CCG conduct an intrusive patrol [on] the east side of the Philippine archipelago before,” dagdag pa niya.

Mula nitong Huwebes, namamataan ang mga barko ng CCG na dumaraan sa Bashi Channel na inilarawan ni Powell na “very unusual” track.

“I almost never see the CCG near Batanes, and this is the first time I’ve seen any pass through the Bashi Channel in my years of monitoring.”

Ang Bashi Channel ay isang strategic na lagusan sa pagitan ng Mavulis Island ng Batanes at Orchid Island ng Taiwan na nagkokonekta sa South China Sea at Pacific Ocean. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here