MANILA, Philippines – Asahan ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod ng malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo noong Martes, Agosto 5.
Sa pagtaya batay sa international petroleum trading sa nakalipas na apat na araw, inaasahan ang humigit-kumulang P0.25 kada litro na bawas sa presyo ng gasolina.
Rollback na P1.25 kada litro naman ang inaasahan sa diesel at P1.20 kada litro sa kerosene.
Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw. RNT/JGC