Home NATIONWIDE Voter registrants lampas na sa target ng Comelec

Voter registrants lampas na sa target ng Comelec

288
0

MANILA, Philippines – Patuloy na dumaragsa ang mga botante na nagpaparehistro sa mga site sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Nitong Huwebes, umaabot na sa 1.2 milyon ang naitalang voter registrants.

Una nang sinabi ng komisyon na target lamang nila ay aabot sa isang milyong ang mga registrants na naabot naman noong Martes matapos ang limang araw mula nang simulan ito noong Agosto 1.

Sa inilabas na datos ng poll body, nagpakita na 1,204,144 registrants mula noong Agosto 1 hanggang 6.

May pinakamaraming bilang ng aplikante ang Calabarzon na may 154,987, sinundan ng Central Luzon na may 130,767 aplikante at ang National Capital Region na may 95,373.

Ang huling bilang ay nag-udyok sa Comelec na dagdagan ang kanilang target na bilang ng registrants sa 1.5 milyon.

Magtatagal ang voter registration ay hanggang Agosto 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here