Home NATIONWIDE Underwater drone nadiskubre ng mangingisda sa PangasinanNATIONWIDETOP STORIES Underwater drone nadiskubre ng mangingisda sa PangasinanAugust 8, 2025 14:442460 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Narekober ng mga mangingisda ang hinihinalang underwater drone sa Pangasinan.Kumpirma naman ito ng Philippine Coast Guard (PCG) na ayon kay Commodore Jay Tarriela, namataan ito ng mga mangingisda noong Agosto 6.Ayon kay Tarriela, kulay kahel na bagay ang namataang lumulutang habang nangingisda sila, nasa 149 nautical miles hilagang-kanluran ng Bolinao.Agad nila itong iniulat sa Coast Guard Substation – Infanta at nagsumite ng sinumpaang salaysay.Tinatayang may habang 160 sentimetro, lapad na 20 pulgada, at bigat na 100 kilo ang naturang aparato.Isinuko na ito sa mga awtoridad para sa masusing imbestigasyon at pagsusuri. Jocelyn Tabangcura-Domenden