Diretsong sinagot ni Alma Moreno ang tanong kung posible ba siyang mainlab uli sa bagets.
Ito’y sa pilot episode ng Direkwentuhan with Ronald Carballo.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng publiko na minsan nang nagkaroon si Alma ng relasyon sa mas batang aktor.
Without naming names, inamin ng aktres na kung may magmamahal sa kanya nang tapat at aprubado sa kanyang mga anak ay bakit hindi?
Open book ang buhay pag-ibig ni Ness (palayaw) niya.
Tinatawanan na nga din lang niya ang nakaraan, partikular ang kanyang past relationships.
May isang anak si Alma kay Rudy Fernandez, si Mark Anthony.
She also mothers a child by Dolphy, si Vandolph.
Ang commonality sa dalawang relasyong ito’y ipinaala ni Ronald– both Rudy and Dolphy were snatched away from her ng naturingan pa manding magpinsan.
Ito’y sina Lorna Tolentino at Zsa Zsa Padilla.
Pero para kay Ness, past is past.
Sa katunayan, she’s friends lalo na kay Lorna; samantalang she and Zsa Zsa are civil to each other.
Sa ngayon, nanunungkulan bilang barangay kagawad si Alma.
But at the same time, under contract din siya sa Viva dahil aniya’y kailangan niyang rumaket dahil hindi naman puwedeng pagkakitaan ang trabaho niya sa barangay. Ronnie Carrasco III