Home NATIONWIDE Dalawang Vietnamese nasakote sa illegal na botox

Dalawang Vietnamese nasakote sa illegal na botox

198
0

MANILA, Philippines – NASAKOTE SA operasyon ng Southern Police District laban sa illegal medicine practice ang dalawang Vietnamese national sa loob ng beauty clinic SA Makati City hapon ng Agosto 7, 2025.

Kinikala ang mga suspek na sina alias “Van,” 36-anyos, lalak; at alias “Thi,” 35-year-anyos na babae, na kapwa may mga asawa at nakatira SA Barangay Poblacion, Makati City.

Isinagawa ang pagdakip sa pamamagitan ng entrapment operation sa loob ng beauty clinic sa Salamanca Street, Barangay Poblacion, makaraan naaktuhang pagsasagawa ng aesthetic procedures, kabilang ang Botox injections at dermal filler applications, nang walang kaukulang lisensya sa pag-practice ng medisina sa Pilipinas.

Ang entrapment operation ay nag-ugat sa verified intelligence na ibinigay ng regular confidential informant District Special Operations Unit (DSOU), SPD, patungkol sa unlicensed medical activities ng mga suspek.

Sa mabilis na pag-aksyon ng joint operatives ng DSOU-SPD (lead unit), DID-SPD, SWAT, DMFB-SPD, at Makati City Police Station naglatag sila ng police poseur patient upang makumpirma ang illegal practice.

Nabigo naman ang mga suspek na magpakita ng anumang license o accreditation na nag-aawtorisa sa kanila magsagawa ng medical procedures Dito sa bansa.

Nakabawi ng substantial evidence mula sa clinic ang mga Pulis na kinabibilangan ng multiple boxes at vials ng Botulax at Botox, ibat ibang mesotherapy solutions at fillers, syringes at microcannula needles kasama ng iba pang surgical supplies, anesthesia, medical tools, official receipts at client forms mula sa beauty clinic, sales invoices, suspects’ identification cards, at cash kasama ang-bust money at clinic funds.

Nasa DSOU-SPD custody na ang mga suspek at nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 2382 (The Medical Act of 1959), as amended by RA 4224 ang dalawang suspek na mga Vietnamese. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here