Home NATIONWIDE DOLE namahagi ng livelihood aid, ‘NegoKarts’ sa mga benepisyaryo sa NegOr

DOLE namahagi ng livelihood aid, ‘NegoKarts’ sa mga benepisyaryo sa NegOr

269
0

MANILA, Philippines – Sampung informal settlers sa Dumaguete City ang nakatanggap ng kabuuang PHP500,000 halaga ng “NegoKart” units mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang tulong sa mga marginalized workers.

Bawat package na nagkakahalaga ng PHP50,000 ay may kasamang food cart, cooking equipment at panimulang paninda.

Sa bagong bersyon, nakakabit na ang mga cart sa electric motorcycles para sa mas madaling paglipat-lipat.

Karamihan sa mga benepisyaryo ay urban poor na magbebenta ng street food tulad ng fish balls at fried chicken. Pinangunahan ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang pamamahagi ng e-carts sa kanyang dalawang araw na pagbisita sa lalawigan.

Nagbigay rin si Laguesma ng PHP2.2 milyon livelihood aid sa isang grupo ng magsasaka sa Canlaon City at sinaksihan ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) payout para sa mga biktima ng pagputok ng Mt. Kanlaon.

Binigyang-diin ni Laguesma na dumadaan sa mahigpit na validation process ang TUPAD program at hindi ito ginagamit ng mga politiko. Aniya, pumasa ang DOLE sa Commission on Audit review na nagpatunay na maayos na nailabas ang pondo.

“Just to emphasize, the program is really good, that is why, as mentioned earlier by the mayor, it should not be politicized,” ani Laguesma, na tinutukoy si Dumaguete Mayor Manuel Sagarbarria na kasama sa inagurasyon ng DOLE-Negros Island Region Office sa Barangay Bajumpandan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here