Home HOME BANNER STORY Kamara maghahain pa rin ng impeachment complaint vs VP Sara sa 2026

Kamara maghahain pa rin ng impeachment complaint vs VP Sara sa 2026

288
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts na bukas ang Kamara na muling maghain ng impeachment complaint sa February 2026.

“I think ‘yun pong Feb 2026 na refiling ng impeachment proceedings on the same articles, on the same reasons, katulad ng paggamit ng confidential funds at pagbabanta laban sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan, ’yan po ay magpapatuloy in the event po na magpasya po yung 20th Congress House of Representatives na mag-refile at daanan muli ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.”

Binigyang diin ni Ridon na ang 20th Congress ay patuloy na maghihintay kung ano ang magiging tugon ng Supreme Court sa inihaing Motion for Reconsideration sa naunang desisyon na ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara na inihain ng Kamara ay unconstitutional.

“So, aantayin po ng Kongreso ito pong magiging resulta nito pong motion for reconsideration ng Korte Suprema. Kung ano man abutin ito, eh di tsaka ho tayo mag-usap muli,” dagdag pa ni Ridon.

Nilinaw din ng mambabatas na ang desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment ay hindi dapat ipakahulugan na tuluyan ng dismis ang proseso dahil maaari pa aniyang buksang ito at muling isailalim sa deliberasyon.

“We are hopeful and we are thankful, I mean it’s unfortunate that it got archived but we are also thankful that they did not dismiss it. Kasi nga, like what they stated, yung archiving is not exactly killing the entire thing.”

Naniniwala si Ridon na sakaling baligtarin ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito ay kailangang “unarchive” ng Senado ang kaso.

“In the event that the MR is reconsidered, ’yan yung magiging basis for the Senate to unarchive it instead of outrightly dismissing it. So ibig sabihin in every platform, in every proceeding kung saan natin pwedeng exact yung accountability and truth on confidential funds and the death threats against high officials, we will go to that game.”

Sinabi pa ni Ridon na ang mga senador na bomoto para I-archive ang impeachment ay dapat din silang bomoto aniya para ito ay buhayin sakaling baligtarin ng SC ang naunang desisyon.

“Kasi ang batayan kung bakit sila nag-archive ay yung kanila pong sinasabi na mahalagang-mahalagang galangin po natin ang Korte Suprema. In the event that Supreme Court reconsiders, that’s the same logic that we have to apply, di ba?” dagdag pa ni Ridon. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here