Home HOME BANNER STORY Rollback sa produktong petrolyo, asahan bukas Agosto 12, 2025

Rollback sa produktong petrolyo, asahan bukas Agosto 12, 2025

376
0

MANILA, Philippines – Matapos ang apat na sunod-sunod na linggong taas presyo sa mga produktong petrolyo, magpapatupad naman ngayon ang mga kompanya ng langis sa bansa ng oil price rollback epektibo bukas, Agosto 12, 2025, Martes ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P1.50 sa kada litro ng diesel, at P1.30 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na bawas presyo sa mga nasabing produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here