LUCENA CITY, Philippines – Naging trahedya ang isang family weekend outing matapos malunod ang isang 12-anyos na babae, sa Lucena river ng Quezon province nitong Linggo, sabi ng pulisya.
Sa ulat nitong Lunes, sinabi ng Quezon police na ang biktima, na kinilala lamang sa pangalang “Renalyn,” isang Grade 5 student, at ang kanyang pamilya, pawang mga residente ng lungsod na ito, ay nag-picnic sa isang ilog sa Barangay Gulang-Gulang noong Linggo ng umaga.
Ilang sandali pa, napansin ng pamilya na nawawala si Renalyn at humingi sila ng tulong upang mahanap ito.
Natagpuan ang bangkay ng batang babae na lumulutang sa ibang bahagi ng ilog alas-5:52 ng hapon.
Naitala ng pulisya ang kaso bilang isang “drowning incident.” RNT/MND