Manila, Philippines – Family will always be family no matter what.
Pinakamasayang ama na yata ngayon si Paolo Contis makaraang maka-bonding ang kanyang dalawang anak sa estranged partner na si Lian Paz.
After 13 years, nakasama ni Paolo sina Xalene at Xonia with their mom.
It would not have been possible kung wala ang effort at tulong ng partner ngayon ni Lian na si John Cabahug.
Paolo took to his Facebook and Instagram para i-flex ang kanilang mga larawan.
Itinaon din ng aktor na pasalamatan si John for allowing him to see and bond with the kids.
Binati pa niya si John ng happy birthday and for raising his kids well for him.
Hindi raw kataka-taka kung blessed ang pagsasama nila ni Lian.
At the same time, nangako si Paolo na hindi niya sasayangin ang pagkakataong ‘yon.
Bumaha naman ng papuri at paghanga ang ginawa ni Paolo from fellow celebrities and netizens alike.
Hindi nga lang malinaw kung kallan naganap ang bonding na ‘yon.
Sinadya kasi ni Paolo na hindi ‘yon isapubliko dahil pino-process pa ang annulment case sa kanilang kasal ni Lian.
Inaasahan naman ng mga netizens na ang susunod na makaka-bonding ni Paolo ay si Summer.
Summer is the actor’s daughter with LJ Reyes na matatandaang lumipad patungong New York nang pumutok ang isyu kina Paolo at Yen Santos. Ronnie Carrasco III