Home NATIONWIDE Mga establisyimento sa Manila, Pasay at Valenzuela sinalakay ng NBI

Mga establisyimento sa Manila, Pasay at Valenzuela sinalakay ng NBI

309
0

MANILA, Philippines – Sinalakay ng Ntional Bureau of Investigation (NBI) ang ilang establisyimento sa Manila, Pasay at Valenzuela dahil sa mga peke o counterfeit na mga produkto.

Sa bisa ng sampung search warrant sa apat na target na lokasyon sa Binondo, Manila, isa sa Baclaran, Pasay City dahil sa pag=iimbak, pagbebenta at pamamahagi ng pekeng produkto.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng 19,546 na piraso ng pekeng sunglassess at prescription glasses na may ibat-ibang tatak tulad ng “Oakley’, ‘Ray-ban’ sunglasses at prescription glasses na may tatak na Luxottica at ibat-ibang business documents, resibo, sales invoice kabilang ang iba pang piraso ng ebidensya na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P800 milyon.

Sa parehong pagkakataon, isinilbi rin ng NBI-NCR ang dalawang warrants sa bodega sa Valenzuela City para sa hindi awtorisadong reproduction.

Nagresulta naman ang operasyon sa pagkakumpiska sa 6,293 piraso ng natapos na at hindi pa natapos na counterfeit WD-40 trademarks, 270 piraso ng counterfeit canisters kung saan kahawig ng pangkalahatang itsura ng WD-40, at ibat-ibang business documents, kabilang ang iba pang ebidenysa na tinatayang aabot sa P3 milyon.

Pinuri naman ni NBI Director Jaime Santiago ang NBI-NCR sa matagumpay na pagpapatupad ng search warrant at kanilang pagpapatupad ng batas para matigil ang paglaganap ng mga pekeng produkto.

Pinaalalahanan din ng NBI ang publiko na iwasan ang pagtangkilik sa mga pirated products upang maprotektahan ang intellectual property rights owners at palakasin ang ating ekonomiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here