Home ENTERTAINMENT Pen, biktima ng death hoax!

Pen, biktima ng death hoax!

290
0

Manila, Philippines – Uso na naman ang death hoax sa showbiz lalo’t ghost month pa naman ang period na ito.

Ang pinakahuling biktima ng fake news na ito ay ang TV/film at theatre actor na si Pen Medina.

Ito ang iniulat ng Magsasaka, Mabuhay Ka.

“Shocking headlines” ang ginamit na ulo ng report, na pinik-up ng isang nagngangalang Angelo Lague whose attention was called by Ogie Diaz.

Nag-react din ang anak ng 74 anyos na aktor na si Alex Medina, na agad nanawagan na i-mass report ang naturang fake news to be taken down immediately.

Kinundena rin mismo ni Pen ang fake news na nilakipan pa ng mga litrato niya sa ospital to make it seem true.

Nag-post tuloy si Pen ng “prohibited emojis” para ipahayag ang kanyang pagkadismaya.

Obyus na gustong pagkakitaan ng ilang vlogger ang pinalaganap nilang fake news tungkol sa beteranong aktor. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here