Home NATIONWIDE 6 laglag sa illegal quarrying sa Rizal

6 laglag sa illegal quarrying sa Rizal

264
0

MANILA, Philippines – Anim na indibidwal ang inaresto ng National Bureau of Investigation – Environmental Crime Division (NBI-EnCD) sa Morong, Rizal dahil sa illegal quarrying.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na natanggap ng NBI-EnCD kaugnay sa umano’y illegal quarrying na isinasagawa ng ilang indibidwal sa Morong, Rizal dahil sa paglabag sa Section 103 (Theft of Minerals) ng R.A. No. 7942 o kilala bilang Philippine Mining Act of 1995.

Sa impormasyon, ang nasabing mga indibidwal ay kumukuha at nagtatapon ng mga mineral nang walang kaukulang permit at clearance mula sa Provincial Mining Regulatory Board ng lalawigan ng Rizal at ng Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau Region IV-A (DENRMGB).

Nang makumpirma ng NBI, isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na indibidwal

Kasama rito ang backhoe operators at dump truck drivers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here