Home ENTERTAINMENT Kampo ni Beverly, pinasinungalingan si Elias; Show producers, makakasuhan!

Kampo ni Beverly, pinasinungalingan si Elias; Show producers, makakasuhan!

277
0

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa socmed ang gulong namamagitan sa talent manager at negosyanteng si Beverly Labadlabad at sa kanyang talent na Elias J TV band.

Sa isinagawang mediacon ng frontman na si Elias Lintucan aka Elias, kasama ang kanyang lawyer na si Atty. Israelito Torreon, ay tahasang sinabi ng kanyang kampo na hindi na valid ang management contract ng nasabing reggae singer at ni Beverly.

Deretsong ipinahayag ni Atty. Torreon na diumano ay hindi na si Beverly ang manager ni Elias.

Ito naman ay mariing tinutulan ni Atty. Ivan Patrick Ang, ang lawyer ni Labadlabad.

“Huwag po sanang malilinlang ang publiko sa pahayag ni G. Elias Lintucan na siya ay wala nang manager sa kasalukuyan dahil lamang sa naghain siya ng demanda upang maipawalang-bisa ang management contract niya kay Bb. Beverly Labadlabad.

“Hindi po ganoon kasimple ang bagay na iyon, at baka naliligaw si Elias sa maling akala.

“Ang kontrata ay VALID hanggang hindi ipinawawalang-bisa ng hukuman.

“Hindi siya ang nagpapasya kung may bisa pa o wala ang kontrata. Kaya nga siya pumunta sa hukuman,” sabi ni Atty. Topacio.

Dagdag pa ng celebrity lawyer, “Pinagluluko ni Elias ang mga tao.

“Hindi po pabilisan ng demanda ito kundi patibayan ng ebidensiya at batas ang umiiral.

“Ito po ang mangyayari.

“Sa bawat paglabag ni Elias ng kontrata, siya ay idedemanda. Sa bawat pagkuha niya ng bayad na di dumaan kay Bb. Labadlabad, siya ay idedemanda. At bawat tao na makikipag-kontrata kay Elias na hindi dumadaan kay Bb. Labadlabad ay idedemanda.”

Ipinahayag pa ni Atty. Ivan ang kanyang saloobin sa isyu: “If we follow the argument that the mere filing of a case to declare a contract null and void and the management relationship is outrightly cut on the same day, then we will be facing a scenario that after a case for declaration of nullity of marriage is filed, pwede na mag asawa muli ang plaintiff or defendant mismo sa araw na yon.”

Ang mga pahayag ng mga abogado ay sinang-ayunan naman ni Beverly. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here