Home NATIONWIDE Imbestigasyon ng DPWH nakatutok sa flood control projects ng 15 contractor na...

Imbestigasyon ng DPWH nakatutok sa flood control projects ng 15 contractor na sinita ni PBBM

262
0

MANILA, Philippines – Nakatuon ang Department of Public Works ang Highways (DPWH) sa pag-audit nito sa mga flood control projects sa ilalim ng 15 construction companies na ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni DPWH Manuel Bonoan na sinimulan na ng ahensya na silipin ang katayuan ng humigit-kumulang 9,855 flood control projects pagkatapos ng SONA ng Pangulo.

Tungkol nama sa pagkakaugnay ng ilang pampaublikong opisyal sa mga kumpanya, sinabi ni BOnoan na hindi bahagi ng pamantayan ang pagtingin sa mga personalidad na kaanib sa mga kontratista.

Kabilang sa mga contractor na nasa listahan ni Marcos ay ang Sunwest, Inc., na dating Sunwest Construction and Development Corporation, na nakabase sa Albay. Iniuugnay ang kompanya kay Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, na nauna nang nagsabing nag-divest na siya sa kumpanya.

Ayon kay Bonoan, sa mga dokumento ng Sunwest, tinitignan lamang nila ang mga isinusumiteng dokumento at hindi nila alam kung sino ang nakalagay na may-ari o affiliates.

Idinagdag ng opisyal na ang kanilang mga kamay ay nakatali sa opagtugon sa mga alalahanin sa ilang mga mambabatas na umano’y kaugnay sa mga kontratista, na nagsasabing ang isang batas ay maaaring ipagbawal ang sitwasyong ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here