Home NATIONWIDE Tamang legal terms sa child rape cases nilinaw ng SC; danyos tinaasan

Tamang legal terms sa child rape cases nilinaw ng SC; danyos tinaasan

321
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Naglabas ng bagong patakaran ang Korte Suprema sa tamang paggamit ng termino sa “qualified rape” at “statutory rape” sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga menor de edad.

Pinalawak ng desisyon ang saklaw ng terminong “qualified rape of a minor” at pinapataas ang pinakamababang danyos na iginagawad sa mga biktima.

Sa bagong patakaran, maituturing na “qualified rape of a minor” kapag ang biktima ay menor de edad at may isa sa sampung espesyal na bigat na kondisyon sa ilalim ng Article 266-B ng Revised Penal Code gaya ng relasyon sa suspek, pang-aabuso ng awtoridad, o kahinaan ng biktima.

Nangangahulugan na hindi na gagamitin ang “qualified statutory rape” dahil nagdulot ito ng kalituhan noon sa mga korte.

Sa ilalim nito, ₱100,000 civil indemnity, ₱100,000 moral damages, at ₱100,000 exemplary damages.

Paliwanag ng Kataas-taasang Hukuman, kapag hindi pa tumuntong ng 16 taong gulang ang bata, maituturing itong statutory rape.

Layunin ng desisyong ito na gawing malinaw at pare-pareho ang paggamit ng mga termino, at matiyak na mas mabigat ang parusa at mas mataas ang danyos para sa mga biktimang menor de edad.

Nilinaw ito ng SC sa resolusyong isinulat ni Retired Associate Justice Mario Lopez kung saan ibinasura ang motion for reconsideration na inihain ng lalaking hinatulan ng panghahalay sa kaniyang sariling anak na nasa walong taong gulang.

Qualified rape ang unang hatol ng korte laban sa akusado ngunit binago kalaunan ng Court of Appeals ang naging krimen at ginawang qualified statutory rape.

Pero sabi ng SC, maituturing itong qualified rape of a minor. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here