Home METRO Bangkay ng obrero tinangkang itago ng retired Navy

Bangkay ng obrero tinangkang itago ng retired Navy

254
0

MANILA, Philippines – Isang construction worker ang binaril at napatay ng isang retired Philippine Navy na umano’y kainuman nito sa Brgy Lapidario, Trece Martires City, Cavite

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na si Marlon Velasco, 47 taong gulang na nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa report, tinangka pa umanong itago ng suspek na si alyas Ric, 59 anyos, retired Philippine Navy at kapitbahay ng biktima ang umano’y ginawa nitong pagpatay sa biktima

Batay sa ulat ng pulisya, alas-2:40 ng hapon nang maganap ang insidente.

Nag-iinuman ang biktima at suspek nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pinag-uusapan na nauwi sa pagtatalo.

Napikon ang suspek kung kaya nakuha nitong barilin ang biktima.

Base sa nakasaksi sa insidente, isang residente sa nasabing lugar, nakarinig umano ito ng putok ng baril kung kaya agad itong nagpunta sa pinagmulan ng putok.

Kaagad namang naabutan ang suspek na may hinihilang mga bakal na itinatakip sa nakahandusay na biktima upang hindi ito makita.

Mabilis na naireport sa barangay ang nangyaring insidente hanggang sa naaresto ang suspek

Sinampahan na ng kasong murder ang suspek na kasalukuyang nasa kostudiya ngayon ng Trece Martires City Police station. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here