MANILA, Philippines – Ikinasa ng isang mambabatas ang panukalang batas na magbibigay ng libreng annual medical check-up sa lahat ng mamamayan na aakuin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kabilang ang basic laboratory tests tulad ng blood sugar at cholesterol screenings.
Nakatakda sa Senate Bill No., 97 na may titulong “Free Annual Medical Check-Up Act na inihain ni Senador Mark Villar na lubhang nakakaalarma ang datos mula sa Social Weather Station na 63 porsiyento ng Filipino ang nagsasabing mahirap sila sa huling yugto ng 2024 napinakamataas sa mga nakaraang taon.
Sinabi ni Villar na nakikita sa numero ang malalim na pakikibaka ng mamamayan sa ekonomitya kabilamg ang kawalan ng mapagkukunan ng pangunahing pangangailangan tulad ng masustansiyang pagkain, sapat na pabahay na may sanidad at tuloy-tuloy na suplay ng tubig, elektrisidad at ibapa at makakayanang healthcare.
“It is alarming to know that millions of Filipinos are living in poverty, without access to nutritious food, decent housing, and affordable healthcare,” ayon kay Villar.
Aniya, kapag naghandog ng libreng annual medical check-up, mahihimok ang lahat ng Filipino na komunsulta sa doktor nang regular kaya madaling matukoy at magamot ang anumang sakit..
“Free annual check-ups for our fellow citizens will give them knowledge about their health status, and if they have any illness, they will learn about it early, allowing for faster treatment,” aniya.
Giit ng senador na layunin ng panukala na bawasan ang pabigat sa pananalapi ng pamilya partikular sa naghihikahos.
“We want the matter of check-ups and laboratory tests to no longer be an added worry for our fellow citizens. We want our fellow Filipinos, especially those struggling in life, to have one less burden to carry and not hesitate when it comes to taking care of their health,” aniya. Ernie Reyes