Home HOME BANNER STORY Maritime domain awareness flight ng PCG sa WPS, binuntutan ng jet fighter...

Maritime domain awareness flight ng PCG sa WPS, binuntutan ng jet fighter ng China

258
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng maritime domain awareness flight ang eroplano ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinabayan naman ng jet fighter ng China sa Bajo de Masinloc na bahagi pa rin ng West Philippine Sea.

Ayon kay PCG Commododre Jay Tarriela, ang pagsabay ng jet fighter ng China nitong umaga ng Miyerkules, Agosto 13 ay delikado dahil palipat-lipat ng pwesto sa PCG caravan cesna plane.

Tumagal ng 20 minuto ang pagsabay ng jet fighter ng China na may distansyang 200-500 feet.

Sinabi ni Tarriela na ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumamit ng jet fighter ang China ngayong taon.

Samantala, nagsagawa ng radio challenge ang barko ng China sa maritime domain awareness flight ng PCG pero hindi sila nagpatinag.

Sinabi ni Tarriela na ang dahilan talaga ng pagpapatrolya ay para beripikahin ang ulat ng presensya ng mga barko ng China sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here