MANILA, Philippines – Binulabog ng bomb threat ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa Maynila.
Sa mabilis na responde at paghalughog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), wala namang nakitang anumang pampasabog sa lugar.
Sa impormasyon, nakatanggap umano ng email ang ilang empleyado ng BSP mula sa isangĀ Japanese lawyer na kinilalang si Hiroaki Yamanoka kaugnay sa banta ng pagpapasabog na magaganap umano ng alas tres ng hapon
Nagdulot naman ito ng pangamba sa mga empleyado ng BSP kaya agad itong itinawag sa MPD.
Pinayuhan ng pulisya na higpitan ng BSP ang kanilang seguridad at manatiling alerto.
Hawak na ng MPD Anti-Cybercrime Team ang kaso para sa mas malalim na imbestigasyon at matukoy ang pakay ng pagbabanta. Jocelyn Tabangcura-Domenden