MANILA, Philippines – Muling nagwagi ang kabutihan laban sa kasamaan matapos na pabagsakin ni Ultraman ang tinaguriang ADB Kaiju!
Ganito ang naging tagpo sa harap ng himpilan ng Asian Development Bank sa Mandaluyong, Huwebes, Agosto 14, 2025 sa isinagawang kilos-protesta ng iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs) at advocacy groups upang tutulan ang tinawag nilang minamadali at malabnaw na 2025 Energy Policy Review (EPR).







