Home NATIONWIDE Bagong Kamuning footbridge, EDSA Busway rehab, umarangkada na

Bagong Kamuning footbridge, EDSA Busway rehab, umarangkada na

270
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang ₱89-milyong proyekto para sa bagong footbridge at concourse sa EDSA Busway Kamuning Station, kapalit ng matarik na “Mount Kamuning.”

Target matapos ngayong taon, maglalaman ito ng elevators, wheelchair lifts, tactile paving para sa may kapansanan sa paningin, malinaw na signage, at walkway na mas ligtas para sa pedestrian.

Direktang konektado ito sa busway station at kahawig ng disenyo ng SM North Concourse.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, tugon ito sa utos ni Pangulong Marcos na lutasin agad ang hirap ng mga commuter, at gagamit ng prefabricated na materyales para hindi maabala ang mga pasahero at pedestrian. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here