MANILA, Philippines – Nakakumpiska ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng 69 kahon ng maling naideklarang Ultra Black vape products na nagkakahalaga ng ₱8.5 milyon mula sa isang bodega sa Quiapo, Maynila nitong Martes ng gabi.
Isinagawa ang operasyon matapos maglabas ng mission order ang Bureau of Customs dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Ayon kay CIDG Acting Director PBGen. Christopher Abrahano, malaking tulong ang operasyon sa kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling at customs fraud.
Hinimok din niya ang publiko na ireport ang mga ilegal na aktibidad sa CIDG. Santi Celario