Home METRO 6 stude, staff sugatan sa pag-araro ng SUV sa iskul

6 stude, staff sugatan sa pag-araro ng SUV sa iskul

289
0

MANILA, Philippines – Isang SUV na minamaneho ng 70-anyos na lalaki ang sumalpok sa lobby ng isang pribadong paaralan sa Caloocan City nitong Huwebes ng hapon, na ikinasugat ng anim na estudyante at isang staff.

Nangyari ang insidente bandang alas-4 ng hapon sa oras ng uwian.

Ayon sa pulisya, sinusundo ng driver ang kanyang apo nang aksidente niyang apakan ang silinyador, na tumama sa 13-anyos na estudyante at sa gusali ng paaralan.

Dinala sa ospital ang mga biktima at ang driver, na ngayon ay stable na ang lagay; nakalabas na rin ng ospital ang driver.

Giit ng driver, nakapreno siya ngunit biglang umarangkada ang sasakyan.

Nangakong tutulong siya sa gastusin ng mga biktima at maaari siyang maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here