Home NATIONWIDE Ebidensya sa flood control corruption ipipresenta ni Magalong kay PBBM

Ebidensya sa flood control corruption ipipresenta ni Magalong kay PBBM

222
0

MANILA, Philippines – Ipipresenta ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga dokumento hinggil sa umano’y korapsyon sa flood control projects, kasunod ng panawagan ng Malacañang na ibahagi niya ang impormasyon.

“Nagsalita na si [Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ] na sinabi na I can get in touch with the President anytime. Inaayos lang namin yung mga dokumento para yung maitu-turn over,” ayon kay Magalong sa isang interbyu.

Ayon kay Magalong, may mga mambabatas na umano’y kumukuha ng hanggang 40% kickback mula sa pondo, na nag-iiwan lamang ng 30% para sa aktwal na proyekto at nagreresulta sa mababang kalidad.

Nais niya ng third party na mamuno sa imbestigasyon, ngunit iginiit ng Palasyo na sapat na ang kasalukuyang mekanismo at mas mainam na ireport niya ito diretso sa Pangulo.

“Yes, kasi nga nag-volunteer ako, di ba. Kaya lang, alam mo ang intensyon ko doon just to emphasize na kailangan third party ang mag-imbestiga, independent body,” ani Magalong. “Pero nagsalita rin naman na si Usec. Castro na hindi naman nila ako kailangan. Kaya na raw nila yun.”

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na dapat isumite ni Magalong ang ulat, lalo na kung kasama ang 67 kongresistang sinasabing sangkot.

Kamakailan ay ibinunyag ni Marcos na 20% ng ₱545-bilyong flood control budget ay napunta lamang sa 15 contractor at tinawag itong “disturbing,” sabay babala laban sa pagnanakaw ng pondo ng bayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here