MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 57,134 informal settler families (ISFs) mula sa mga lugar na lantad sa pagbaha ang nailipat na sa ilalim ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program.
Dating nakatira sa gilid ng mga daluyan ng tubig, inilipat sila sa pabahay ng gobyerno para sa mas ligtas at matatag na pamumuhay.
Katumbas ito ng 23.93% ng 238,747 ISFs, kung saan pinakamataas ang relocation rate sa Metro Manila (36.56%), sinundan ng Calabarzon (21.06%).
Nakumpleto na ang 61 socialized housing projects, 90 ang nasa proposal stage, at 52 ang ginagawa pa.
Nanawagan ang DILG sa mga LGU sa loob ng Manila Bay Watershed na pabilisin ang relokasyon at tiyakin ang pangmatagalang, people-centered na rehabilitasyon, alinsunod sa panawagan ni Pangulong Marcos para sa solusyon sa pagbaha.
Binatikos din ng Pangulo ang pag-award ng 20% ng ₱545-bilyong flood control budget sa 15 contractor lamang. RNT