Home NATIONWIDE Sunod na hakbang sa GSIS investment, pinag-aaralan ni PBBM

Sunod na hakbang sa GSIS investment, pinag-aaralan ni PBBM

349
0

MANILA, Philippines – Malalimang pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang susunod na hakbang kaugnay sa kontrobersyal na Government Service Insurance System (GSIS) P1.4-bilyong investment sa nakalistang renewable energy firm na Alternergy Holdings Corporation.

“Kanina lamang po ay tinanong natin ang opinyon dito at, ayon sa Pangulo, ay inaaral pa po ito nang mas malaliman. Most probably, by next week ay mayroon po tayong maibibigay na update patungkol po diyan,” pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Nauna rito, inilagay ng Office of the Ombudsman si GSIS President Jose Arnulfo “Wick” Veloso at anim na iba pang opisyal sa ilalim ng preventive suspension without pay sa loob ng anim na buwan sa gitna ng imbestigasyon sa P1.4-bilyong deal sa Alternergy.

Sa isang kautusan na may petsang Hulyo 11, sinabi ng Ombudsman na may sapat na basehan para suspendihin si Veloso at anim pang opisyal ng GSIS dahil sa posibleng grave misconduct, gross neglect of duty, at violation of reasonable office rules and regulations kaugnay ng pagbili ng stock mula sa Alternergy Holdings Corporation na nagkakahalaga ng P1.4 bilyon.

Sinabi naman ni Veloso na makikipagtulungan siya sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa ginawang investment ng GSIS sa Alternergy. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here