Home NATIONWIDE Pinas, patuloy na nakikipag-usap sa US sa planong 100% semiconductor tariff ni...

Pinas, patuloy na nakikipag-usap sa US sa planong 100% semiconductor tariff ni Trump

223
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nakikipag-usap ang Pilipinas sa Estados Unidos kaugnay sa plano ng administrasyong Trump na magpataw ng 100% tariff sa semiconductors at computer chips.

Nagbabala si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang bagong US tax policy ay makasasakit sa dalawang pinakamalaking export industries ng Pilipinas.

Nagpahayag ng pag-aalala si Romualdez sa pagpapataw ng “fresh steep tariffs” na kanyang inilarawan bilang “very disturbing” dahil makaaapekto ito sa global semiconductor supply chain at sa “a lot of companies, not only here in the Philippines, but all over the Asia-Pacific region.”

“We are asking our friends also from other organizations that have been helping us… to be able to exempt this particular industry, especially those that have been established here in the Philippines for so many decades now,” pahayag ni Romualdez sa moderated discussion kasama ang media sa isinagawang US–ASEAN Business Council meeting sa Maynila.

Winika ni Romualdez na magiging “substantial” ang epekto sa semiconductor manufacturing industry sa Pilipinas kung matutuloy ang bagong ikot ng mga taripa.

Ang Pilipinas ay ang ninth-largest chip exporter sa buong mundo at ang semiconductor sector ang pinakamalaking export industry ng bansa.

“It’s a very substantial amount. I can just tell you that it’s very important for us to make sure that this industry is maintained here,” sinabi ni Romualdez sa hiwalay na panayam.

American semiconductor manufacturer Texas Instruments, na may dekada nang presensya sa Pilipinas, ay kamakailan lamang nagpatupad ng malalaking investment sa bansa ngunit nananatiling “in limbo” hanggang matapos ang detalye ng bagong chip tariff, ayon pa rin kay Romualdez.

Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon kasama ang US trade officials, ang US–ASEAN Business Council, US Chamber of Commerce, at ang Semiconductor Association sa Estados Unidos at sa Washington, D.C.

Sa ulat, inanunsyo ni US President Donald Trump na magpapatupad siya ng 100% tariff sa mga semiconductor na gawa sa labas ng bansa, bagama’t magkakaroon ng mga eksepsyon para sa mga kumpanyang namuhunan na sa US.

Lumabas ang balitang ito matapos ang hiwalay na anunsyo na mag-iinvest ang Apple ng $600 bilyon sa US, ngunit hindi ito ikinagulat ng mga tagasubaybay sa Amerika.

Sinabi ni Trump na plano niyang ihayag ang bagong taripa sa semiconductors sa loob ng susunod na linggo o higit pa, ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagang detalye.

Kaunti rin ang impormasyon tungkol sa kung paano at kailan ipatutupad ang mga taripa, ngunit mabilis na nagbigay ng reaksiyon ang mga semiconductor powerhouse sa Asya ukol sa posibleng epekto nito.

“Manila, on the other hand, is still in the process of finalizing details on the new 19% duties imposed by the Trump administration on Filipino products entering America,” tinuran ni Romualdez, sabay sabing hindi lahat ng US imports ay duty-free.

“The tariff on the Philippines is considered final,” aniya, ngunit sinabi rin na ang mga trade official mula sa Maynila at Washington ay “still on the negotiating stage” hinggil sa specifics at exemptions na nakapaloob sa trade deal. Aniya pa, US agricultural products ay malamang na hindi kasama sa listahan ng duty-free American goods.

“Of course, we have to consider the agricultural sector, which is very important for us,” dagdag pa niya. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here