Home OPINION IBA TALAGA KAPAG ABOGADO

IBA TALAGA KAPAG ABOGADO

224
0

IBA talaga kapag abogado ang mambabatas dahil lumulutang ang kanilang galing at talino kapag mabigat ang talakayan at balitaktakan tulad na lang ng pagtalakay sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte noong Agosto 6.

Kahit pa nga sabihin natin na maraming Pinoy ang nais na marinig ang panig ni VP Sara kaugnay sa mga akusasyon laban sa kanya, hindi maikakaila na mangingibabaw pa rin ang utos ng Korte Suprema na unconstitutional ang paraan nang paghahain ng impeachment laban sa Bise Presidente.

Sa naturang talakayan, nagpatatag sa Senado ang tandem nina Senate President Chiz Escudero at Sen. Allan Peter Cayetano dahil malinaw nilang naipaliwanag ang kanilang boto na hindi paraan upang gawing imposible ang impeachment sa bansa, kundi upang tiyakin na ito’y isinasagawa sa tamang proseso dahil maliwanag naman na ang kanilang pinagdedebatehan ay ang mungkahing motion to archive

Pwede naman kasi nilang ipagyabang ang pagkumpirma ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment complaint mula sa simula at ito naman ang naging punto nina Escudero at Cayetano sa ‘return’ motion o pagbababalik ng articles of impeachment sa Kongreso, dahil anila, maraming kwestyon ang kaso at walang hurisdiksyon ang Senado rito.

Pero sa halip na magyabang sa mga kritiko, ipinairal nina Cayetano ang maging propesyonal dahil para sa bayan ang kanilang trabaho kaya mistulang showdown ang debate sa pagitan ng mga baguhan at beteranong senador

Kahit kasi bagong senador nagpamalas din ng galing, si Senator Rodante Marcoleta na siyang nagtulak na tuldukan na ang impeachment complaint. Nakinig naman muna ang ilang kasamahan niyang bagito tulad nina Senador Erwin Tulfo at Senador Camille Villar, pero sa huli ay nagbigay rin ng paliwanag ng boto.

Siyempre, hindi rin patatalo sa debatehan ang mga batikang oposisyon tulad nina Senate Minority Leader Tito Sotto, Senador Ping Lacson, at Senador Risa Hontiveros, gayundin ang ilang miyembro ng minority block tulad nina Senador Bam Aquino at Senador Kiko Pangilinan. Iyon nga lang, hindi nila maipaliwanag ang kahalagahan ng pag “table” ng impeachment complaint, lalo’t idineklara na ito ng Korte Suprema bilang unconstitutional.

Siguro, alam na rin ng oposisyon na wala silang laban dahil kulang ang kanilang bilang kumpara sa dami na rin ng Duterte boys sa Senado pero nagpursige pa rin sila nakipag balitaktakan.

Ngayon, ang tanong mahalaga nga ba talaga na ang isang senador ay isang abogado o hindi? Totoong hindi ito rekisito, pero malaking kalamangan. Kung hindi abogado, dapat kumuha ang senador ng magagaling na abogado at tauhan.

Kailangang balanse ang kagalingan ng senador at ng kanyang staff. Bonus points kung parehong magaling at tunay na nagseserbisyo sa taumbayan. Ito ang dahilan kung bakit marami ang humanga kay Sen. Cayetano at kahit papaano ay kay Escudero rin.

Pwede na ba ngayon ang ganyang sistema ng ating hustisya? Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here