Home METRO P372-K ‘damo’, vape na ‘tsongki’ nakalkal ng mga parak sa bahay ng...

P372-K ‘damo’, vape na ‘tsongki’ nakalkal ng mga parak sa bahay ng durugista sa Bulacan

326
0

BULACAN, Philippines – Aabot sa P372,970.00 halagang ng iligal na droga ang nakalkal ng mga awtoridad sa bisa ng Search Warrant (SW) sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano, hepe ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU), ipinatupad ng pinagsanib na puwersa ng PIU, SJDM police, PDEA Bulacan at Bulacan 1st  at 2nd Provincial Mobile Force Companies bandang 4:40 ng umaga hanggang 8:30 ng umaga nitong Agostos 16,  sa Brgy. Gaya-gaya ang SW laban sa suspek na si alyas “Aron” na kasalukuyang at-large.

Nasamsam sa operasyon ang 12 vacuum-sealed packs ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana (kush) na may timbang na 184.1 gramo na halagang P312,970.00, 15 kahon ng tig-iisang (1ml) piraso ng hinihinalang tetrahydrocannabinol (THC) vape carttridges na aabot sa P60,000.00, pakete ng rolling paper.

Sinasabing ang operasyon ay nasaksihan ng kaanak ng suspek, kinatawan ng DOJ, media at isang halal na barangay opisyal habang ang mga ebidensya ay dinala sa tanggapan ng PIU para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa suspek. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here