Home NATIONWIDE Kelot tinaga ng nakaalitang kapitbahay

Kelot tinaga ng nakaalitang kapitbahay

1
0

ILOCOS SUR-Naka-confine ngayon sa ospital ang isang 22-anyos na lalaki matapos tagain ng nakaalitan nitong kapitbahay sa bayan ng Bantay ng lalawigang ito nitong Huwebes ng gabi, Nobyembre 5.

Ayon sa Bantay MPS, ang biktima at ang 43-anyos na suspek ay nagkaroon ng pagtatalo.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo ay tinangka umanong saksakin ng biktima ang suspek ngunit napigilan ito matapos mamagitan sa away ang misis ng suspek.

Sinamantala naman ng suspek ang pagkakataon at tinaga nito ang biktima.

Nagtamo ng lacerated wound sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo ang biktima.

Ang biktima ay isinugod sa RHU Bantay at kalauna’y inilipat sa Ilocos Sur Provincial Hospital.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga rumespondeng PNP personnel. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here