Home NATIONWIDE P5M tsongki, nasabat sa Benguet

P5M tsongki, nasabat sa Benguet

1
0

LA TRINIDAD, Benguet – Halos mahigit P5 milyong halaga ng pinaniwalaang pinatuyong dahon ng marijuana sa Barangay Puguis, La Trunidad, Benguet.

Ayon sa La Trinidad Police, kasalukuyang ang patrolya ng mga pulis sa isang subdivision sa Barangay Puguis nang kanilang mapansin ang isang lalaking naglilipat ng mga karton mula sa isang SUV papunta sa isang kotse.

Nakita rin ng mga pulis ang tubular-shaped item na nakausli sa isang karton dahilan para lapitan nila ang lalaki. Pero bigla siyang tumakbo kaya hinabol hangang mahuli.

Nakatakas naman ang dalawa pang indibidwal na sakay ng SUV.

Nasamsam ng mga pulis ang mga karton na naglalaman ng 42 piraso ng tubular-shaped marijuana na tumitimbang ng 42 kilo at nagkakahalaga ng P5,040,000.

Nakumpiska rin ang isa pang sako na may laman ding isang kilong marijuana na nagkakahalaga naman ng P120,000.

Kumpiskado rin ang dalawang sasakyan.

Habang patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang katauhan ng dalawang nakatakas.

Nasa kustodiya ngayon ng La Trinidad Police ang suspek na sasampahan ng reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here