MANILA, Philippines – Inilarawan ni Vice President Sara Duterte bilang “painful small talk” ang pakikipag-usap niya sa ilang senador sa pagbisita niya sa Senado nitong Huwebes, Nobyembre 26.
Ayon kay Duterte, ang pagiging plastik umano ng mga pulitiko ay maituturing na “national sport.”
“It was a painful small talk… ‘Yung pambansang sport ng mga pulitiko is plastikan. So it’s painful when you’re doing it. For me. For others, they’re very good at it,” aniya sa isang press briefing nitong Biyernes, Nobyembre 27.
Dumalo ang Bise Presidente sa plenary deliberations ng Senado para sa panukalang P785 milyong budget ng kanyang tanggapan para sa susunod na taon.
Sinalubong siya nina Senate President Sherwin Gatchalian, Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at mga kaalyadong senador na sina Robinhood Padilla at Bong Go.
Sinabi rin ni Duterte na nagkaroon ng “violent reactions” mula sa kanyang mga kaibigan at supporters dahil sa naging pakikisalamuha niya sa mga mambabatas.
“They’re not happy. Marami ang hindi masaya kahapon na mga kaibigan at mga supporters, at makikita mo ‘yun sa mga groupchat ko kahapon,” pahayag niya.
Gayunman, sinabi ng Bise Presidente na wala siyang nararamdaman tungkol dito, maliban sa kinailangan niyang pakalmahin ang ilang kaibigan at supporters na hindi natuwa sa naging kuwentuhan nila ng mga senador. RNT/MDS