Home METRO Manila Water, naglabas ng iskedyul ng desludging sa ilang lugar ngayong Disyembre

Manila Water, naglabas ng iskedyul ng desludging sa ilang lugar ngayong Disyembre

1
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng Manila Water ang iskedyul ng paglilinis o desludging ng septic tank sa mga piling barangay sa East Zone ng Metro Manila at Rizal ngayong Disyembre.

Hinikayat ng kumpanya ang mga customer sa mga nakatakdang lugar na magpa-desludging bago mapuno ang kanilang septic tank upang maiwasan ang pag-apaw, mabahong amoy at kontaminasyon ng lupa at mga daluyan ng tubig.

Kabilang sa mga lugar na pupuntahan ng mga desludging team ang:

–Barangay Bagong Nayon, Santa Cruz at San Luis sa Antipolo City

–Barangay Guitnang Bayan 2 sa San Mateo

–Barangay San Isidro at San Jose sa Rodriguez (Montalban)

–Barangay Nangka, Parang, Concepcion Dos, Industrial Valley Complex at Malanday sa Marikina City

–Barangay Botocan sa Quezon City

–Mga bayan ng Baras at Jalajala sa Rizal

Ayon kay Manila Water Corporate Communications Department Head Dittie Galang, mahalagang isama ng mga pamilya sa kanilang paghahanda para sa Pasko at Bagong Taon ang regular na paglilinis ng septic tank upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat tahanan at mapanatiling malinis ang mga komunidad at daluyan ng tubig.

Sa pamamagitan ng serbisyo, kinokolekta ng Manila Water ang mga laman ng septic tank mula sa mga tahanan at establisimyentong pangkomersiyo at dinadala ang mga ito sa wastewater treatment facilities ng kumpanya.

Doon, dumaraan sa wastong proseso ng treatment at disposal ang nakolektang septage bago ilabas ang nalinis na tubig alinsunod sa mga pamantayan sa kapaligiran.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga customer sa kani-kanilang barangay office o tumawag sa Manila Water Customer Service Hotline na 1627 para malaman ang eksaktong iskedyul at mga kailangang requirement. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here