Home NATIONWIDE Teacher education reforms isinusulong ng DepEd sa pamamagitan ng TEC

Teacher education reforms isinusulong ng DepEd sa pamamagitan ng TEC

338
0

MANILA, Philippines – Muling iginiit ng Department of Education (DepEd) ang panawagan nito para sa teacher education reforms sa pamamagitan ng Teacher Education Council (TEC).

Sa pahayag nitong Sabado, Agosto 16, sinabi ni DepEd Secretary at TEC Chairman Sonny Angara na mahalaga ang pagpapabuti sa kalidad ng mga guro sa pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

“Kung gusto nating makakita ng pagbabago sa bawat silid-aralan, kailangan nating tiyakin na ang bawat guro ay handa, may sapat na kaalaman, at may tuloy-tuloy na suporta. Dito nagsisimula ang tunay na reporma,” ani Angara.

Ang pahayag ay kasunod ng unang taunang TEC report kung saan tinukoy ang mga suliranin katulad ng teacher preparation, licensing, at professional development bilang salik na nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon.

Inaatasan ang TEC sa paglikha ng isang teacher education roadmap sa ilalim ng RA 11713.

Kabilang sa mga mandato nito ay ang pagtatakda ng basic requirements para sa teacher education programs. Kailangan din nitong bumuo ng strategic plan para sa proactive na pagpapaunlad sa Teacher Education-Centers of Excellence sa bawat rehiyon at probinsya.

Ipinatutupad na ng TEC ang ilang reporma kabilang ang reframed pre-service teacher education curriculum, profiling ng 1,570 Teacher Education Institutions, at pakikipag-ugnayan sa PRC para sa specialization-based licensure exams pagsapit ng Setyembre 2025.

“We are building a better education system from the ground up, and that starts with preparing our teachers,” dagdag pa ni Angara. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here