Home NATIONWIDE 2 senior citizen, 4 iba pa huli sa tong-its

2 senior citizen, 4 iba pa huli sa tong-its

258
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Huli sa akto ang anim na katao kabilang ang dalawang senior citizen dahil sa paglalaro ng tong-its sa Vista Allegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa pinaigting na kampanya sa illegal gambling ni PCol. Jectopher Haloc, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO, ang mga suspek ay kinabibilangan ng limang babae at isang lalaki na kinabibilangan ng senior citizen na edad 76 at 74, samantalang ang iba ay edad 39 hanggang 57, dalawa sa kanila ay tricycle driver, isa ang cook at walang trabaho na ang iba sa kanila.

Nakumpiska ang ₱3,122 na taya sa pagsusugal, 2 sets ng baraha, lamesa at apat na upuan.

Pansamantala nasa kustodiya ng Bayombong Police Station ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang anti-illegal gambling law. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here