MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na bumababa ngunit tiniyak sa publiko na ang 49 dedicated fast lanes para sa mga pasyente ay mananatiling operational sa buong bansa.
Sinabi ng DOH, na ang malaking pagbaba mula sa halos 200 mga kaso naitala kada araw noong Agosto 3 hanggang 9 sa 10 kada araw noong Agosto 10 hanggang 14
Mula Hunyo 8 hanggang Agosto 14, nasa 3,752 mga kaso ang kabuuang tally ng DOH.
“DOH hospitals remain on alert while leptospirosis fast lanes have been activated nationwide,” sabi ng ahensya sa isang pahayag.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na agad komunsulta sa fast lanes, health centers o hospitals kapag lumusong sa baha o nalantad sa putik sa panahon ng tag-ulan.
“This is to assess your risk level and provide the proper treatment,” paalala pa ng DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden