Home NATIONWIDE Mataderong PWD, 72-anyos na mananahi umalsa sa ilog sa Bulacan

Mataderong PWD, 72-anyos na mananahi umalsa sa ilog sa Bulacan

285
0

Bulacan – Isang bangkay ng lalaking 45-anyos na PWD (epileptic) ang natagpuan sa ilog sa bayan ng Balagtas nitong Agosto 17.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Michael, binata, butcher, residente ng Brgy. Cacarong Matanda, Pandi.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 11:50 ng gabi nitong Agosto 16 sa Panginay bridge, Brgy. Wawa.

Ayon sa report, nakita ng ilang bystanders at kapatid na lalaki na nahulog ang biktimang umiihi sa nasabing tulay at hindi na lumutang.

Dahil dito, agad humingi ng tulong ang kanyang kapatid na lalaki sa mga awtoridad para mailigtas ito.

Sa kasamaang palad, bandang 1:20 ng madaling araw kinabukasan ay natagpuan ang bangkay ng biktimang nalunod.

Samantala, umalsa din sa ilog bandang 3:00 ng hapon sa pagitan ng Visal Sto Cristo at Brgy. Pulong Gubat, San Ildefonso ang 72 anyos na kinilalang si Mang Badong, mananahi, residente ng Brgy. San Juan, San Ildefonso.

Sa Facebook post na nagviral at comment ng mga netizen tungkol dito, nawala at huling nakita ang biktima na nais magdya-jogging sa paligid ng Telepatio, Pulong Tamo, Pulong gubat, San Ildefonso.

Sinasabing magaling sa larong chess ang mabait na biktimang mananahi sa kanilang lugar kaya dumagsa ang pakikiramay ng mga nakakakilalang netizen na nagtatanong bakit nangyari ito sa kanya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here