Home HOME BANNER STORY Obispo sa e-wallets: Cash transactions sa online sugal, ipagbawal din

Obispo sa e-wallets: Cash transactions sa online sugal, ipagbawal din

327
0

MANILA, Philippines – Hinamon ng isang Obispo ang e-wallet service providers sa Pilipinas na ipagbawal ang mga cash transactions sa lahat ng online gambling sa buong bansa.

Kasunod ito ng hakbang ng nangungunang e-wallet na GCash at PayMaya kung saan ipinagbawal na ang anumang online gambling money transfer at transaction simula August 16.

Sinabi ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na nakababahala na sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay nagsulputan din ang mga e-wallet sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Pabillo, may pamamaraan pa rin ang mga nalulong sa online gambling upang makapaglipat ng kanilang pera at makapaglaro.

Panawagan at hamon ni Bishop Pabillo sa pamahalaan at mga mambabatas na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa Pilipinas na itinuturing na bagong salot sa lipunan.

Naunang kinilala ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas na i-regulate ang access ng online gambling sa mga e-wallet provider.

Gayunman, sinabi ng Cardinal na hindi sapat ang hakbang ng BSP kaya’t muli itong nanawagan sa pamahalaan na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), umabot sa 32 milyong Pilipino ang aktibong nakilahok sa online gambling mula January hanggang May 2025, na katumbas ng 291% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

Iniulat ng Recovering Gamblers of the Philippines na 80% ng kanilang mga pasyente sa rehabilitation center ay nabiktima ng online gambling, na hindi lamang nagdulot ng pagkalugi ng pera o kita kundi nagbunga rin ng depresyon at pagkawasak ng buhay, pamilya, at relasyon sa kapwa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here