Home HOME BANNER STORY 14th-month pay, pinasasabatas ni Sotto

14th-month pay, pinasasabatas ni Sotto

256
0

MANILA, Philippines – Muling inihain ni Senador Vicente “Tito” Sotto III ang panukalang batas na mag-aatas sa mga employer sa pribadong sektor na magbigay ng 14th-month pay upang maibsan ang epekto ng mataas na gastusin at makatulong sa edukasyonal na pangangailangan ng mga manggagawa.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 193, ang 14th-month pay ay katumbas ng isang ikalabindalawa (1/12) ng taunang batayang sahod ng empleyado at dapat ibigay hindi lalampas ng Disyembre 24. Iminungkahi rin ni Sotto na ang 13th-month pay ay ibigay tuwing Hunyo 14 upang makatulong sa gastusin sa pag-aaral ng mga anak.

“Matagal na itong dapat naipatupad. Malaki na ang itinaas ng cost of living, panahon na para makatanggap ng 14th-month pay ang mga empleyado,” ani Sotto.

Sasaklawin ng panukala ang lahat ng rank-and-file employees sa pribadong sektor, kasama ang mga sakop ng kasambahay law, basta nakapagtrabaho ng kahit isang buwan sa loob ng taon.

Hindi sakop ang mga kompanyang lugi, nonprofit institutions na may malaking bawas sa kita, at mga employer na nagbibigay na ng 14th-month pay o katumbas nito. “May exemptions ang panukala para hindi pahirapan ang mga struggling businesses,” dagdag pa ni Sotto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here