Home METRO 2 tulak laglag sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela

2 tulak laglag sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela

243
0

MANILA, Philippines – SWAK ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang high-value individual (HVI) nang nakuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.

Batay sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan City Police Station OIC Chief P/Col. Joey Goforth ang buy bust operation kontra kay alyas “Amo”, 42, (HVI), sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasypn hinggil sa umano’y illegal drug activities nito.

Nang matanggap ang signal mula sa kanilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na positibo na ang transaksyon, agad lumusob ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police saka dinamba ang suspek sa NPC Road, Barangay 163.

Nakumpiska kay ‘Amo’ ang humigi’t kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P136,000.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at anim na P1,000 boodle money.

Sa Valenzuela, nadakip naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil, si alyas “Barote” nang kumagat sa isinagawang buy bust operation sa Karuhatan Public Cemetery sa Brgy. Karuhatan bandang alas-2:55 ng madaling araw.

Nakuha sa suspek ang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money na isang tunay P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 cash, driver license at itim na coin purse.

Kapwa sinampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan at Valenzuela City Prosectuor’s Office. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here