MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis ang tatlong hinihinalang big-time na tulak ng illegal na droga sa buy-bust operation sa Tanza, Cavite nitong Linggo, Agosto 17.
Sa report, tinukoy ng PDEA-Region 4A ang mga suspek na sina alyas “Marlon,” 46, “Kindak,” 42, at “Tonggal,” 31, lahat ay residente ng Barangay
Capipisa sa naturang bayan.
Inaresto ang mga suspek bandang 3:50 ng hapon ng mga operatiba ng PDEA at Cavite Maritime Police Station matapos magbenta ng pack ng shabu ang isa sa tulak sa undercover buyer sa transaksyon sa naturang barangay.
Nakuhanan ang mga suspek ng 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.
Ayon sa PDEA, ang tatlong suspek ay kabilang sa high-value individuals (HVI) sa police drug watch list ng mga sindikato ng illegal na droga.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung kanino nila kinukuha ang suplay ng shabu.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC