Home NATIONWIDE Gatchalian: Pagsuporta sa lokal na produkto, magpapanatili ng mga trabaho

Gatchalian: Pagsuporta sa lokal na produkto, magpapanatili ng mga trabaho

342
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Lunes, Agosto 18 na makatutulong sa pagpapanatili ng trabaho at pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa ang pagbili ng mga lokal na produkto.

Ang pahayag ni Gatchalian ay kasabay ng selebrasyon ng Made in the Philippines Products Week kung saan kinikilala rito ang talento, katatagan, at pagiging malikhain ng mga Filipino.

“Bawat biling lokal, trabaho at kabuhayan ang kapital. Kaya suportahan natin ang mga lokal na produkto dahil ito rin ay pamumuhunan sa mga pangarap at kabuhayan ng ating kapwa Pilipino,” saad sa pahayag ni Gatchalian.

Ang “Made in the Philippines Products Week” ay ginugunita taon-taon mula Agosto 17 hanggang 23 sa ilalim ng Republic Act 3880, na layong maipakilala ang mga Filipino-made goods at mapalakas ang local manufacturing sector.

Samantala, ang OTOP (One Town, One Product) Philippines Act, na naisabatas noong 2022 ay nagpapatibay naman sa flagship program ng pamahalaan na humihimok sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na bumuo ng mga produkto o serbisyo na naaangkop sa kultura, resources at competitive advantage ng isang lugar.

Ani Gatchalian, ang dalawang inisyatibo ay naglalayong suportahan ang entrepreneurship, lumikha ng sustainable jobs, at mapalakas ang national pride sa mga lokal na produkto para sa post-pandemic growth. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here