MANILA, Philippines – Nananatiling nakaalerto ang Department of Health (DOH) sa kabila ng pagbaba ng kaso ng leptospirosis.
Ayon sa DOH, nananatili pa ring aktibo ang leptospirosis fast lane sa 49 DOH hospital sa buong bansa.
Ito ay sa kabila ng unti-unting pagbaba ng mga kaso ng naturang sakit.
Ang pananatiling aktibo ng mga leptospirosis fast lane ay para agad matugunan ang mga pasyenteng posibleng nakakuha ng nasabing sakit dahil sa paglusong sa maduming tubig.
Base sa datos, 200 leptospirosis cases ang naitatala kada araw noong August 3-9 pero ito ay bumaba na at nakakapagtala nalang ng 10 leptospirosis cases noong Agosto 10 hanggang 14. Jocelyn Tabangcura-Domenden