Manila, Philippines – Worthy of emulation ang ginawa ni Max Collins para bigyan ng leksyon ang mga taong walang matinong gawin sa buhay kundi manglamang ng kapwa.
Nakatikim lang naman ng panonopla ang oportunistang scammer mula sa Kapuso actress.
Hindi na kasi tinablan ng hiya ang taong ‘yon na ginagamit ang kanyang pangalan, makahingi lang ng perang donasyon.
Nakuha ni Max at nai-post ang screen shot ng convo sa pagitan ng scammer (pretending to be her) at ng kanyang bibiktimahing kaibigan.
Buti na lang, presence of mind got the better of Max.
In an instant, nag-post siya kaagad ng scam alert sa social media warning her friends to immeduately block the scammer.
Nakakaintriga lang ang isang linyang binitawan ni Max as to she suspects to be behind the scam.
Aniya: ‘This must be from work!”
Naguguluhan tuloy ang mga netizens sa kung ano ang ibig sabihin ng suspetsa ni Max.
If the scammer must be from work, taga-showbiz din ba ito?
Anyway, basag na basag ang naturang scammer kay Max sa post nito.
Panonopla ng aktres: “Mahiya ka, you’re taking advantage of my friends!” Ronnie Carrasco III