Home ENTERTAINMENT Dick, binunyag ang stand sa kabadingan!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dick, binunyag ang stand sa kabadingan!August 19, 2025 07:503110 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – It’s anyone’s ball game.Ganito kapraktikal ang sagot ni Roderick Paulate nang sumalang sa Direkwentuhan with Ronald Carballo.Sagot ‘yon sa tanong kung ano ang masasabi ng aktor sa laganap na kabadingan sa showbiz.Let’s face it, maging si Roderick din naman ay hindi nakaligtas sa intriga tungkol sa kanyang kasarian.Ayon kay Dick, kung apektado siya noon, ngayon ay hindi na.Napagtanto daw niya kasi na hindi siya nabubuhay according to what people like him to be.Sa ngayon, the veteran actor doesn’t care anymore.‘Yun din ang stand niya para sa mga kapwa niya aktor na pilit itinatago ang kanilang kasarian kahit buking na bading sila.“Choice nila ‘yon if they want to stay that way. Kung natatakot man sila na baka maapektuhan ang career nila, it’s still their choice,” ani Dick.With a broader understanding of gay life lalo’t he portrays gay roles, ano naman ang stand niya sa same sex marriage?Hindi nangiming aminin ni Dick na takot siyang sagutin ang kontrobersyal na tanong.“Ang akin, puwede bang union na lang?” hirit niya.Pero nilinaw niyang nirerespeto niya ang mga karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Ronnie Carrasco III