Home METRO Aborsyonista, timbog sa mga parak sa Bulacan

Aborsyonista, timbog sa mga parak sa Bulacan

206
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang umano’y abortionist matapos mahuli sa aktong ilalaglag ang sanggol sa sinapupunan ng isang ina sa bayan ng Bocaue.

Sa report ni PLTCOL Virgilio Ramirez, acting chief of police ng Bocaue police station, kinilala ang suspek na si alyas “Jes”, 36, dalaga residente ng Brgy. Biñang 2nd, Bocaue.

Ayon sa report, ikinasa ang entrapment operation ng istasyon sa aktong pagsasagawa ng abortion bandang 4:30 ng madaling araw nitong Lunes, Agosto 18.

Nabatid na isinagawa ang operasyon nang magreport ang isang confidential informant na may naglalaglag ng bata sa lugar.

Dahil dito, agad nagsagawa ng surveilance at entrapment operation ang mga pulis dahilan upang mahuli ang suspek na aktong nagsasagawa ng abortion kay alyas “Tina”, 20 ng Brgy. Tigbe, Norzagaray.

Agad dinala ng mga awtoridad si alyas Tina sa pinakamalapit na ospital kaya nailigtas ang buhay ng malusog na sanggol na nais ipalaglag sa sinapupunan.

Nakumpiska sa lugar ang mga gynecological instruments at mga gamot gamit sa iligal na gawain at isinailalim sa kustodiya ng istasyon ng pulisya.

Nahaharap ang dalawa sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here