Home METRO Caloocan police, sinibak sa pagkulong sa ama ng biktima ng leptospirosis

Caloocan police, sinibak sa pagkulong sa ama ng biktima ng leptospirosis

348
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Sinibak na sa puwesto ang substation commander ng Caloocan City police matapos umanong ikulong ang isang lalaking wala namang sala, inihayag ng Northern Police District (NPD).

Nagsampa ng administrative complaints si Jayson Dela Rosa, ama ni Gelo, iniulat na lumusong sa hanggang baywang na tubig baha upang hanapin siya, na humantong sa pagkakasakit ng leptospirosis, laban sa substation commander at dalawang tauhan sa National Police Commission (Napolcom).

“The NPD is committed to accountability and integrity. The Substation 2 Commander and the involved personnel were relieved of their duties effective August 5, 2025,” ayon sa NPD.

Isinuko ng mga opisyal ang kanilang mga service firearm at inilagay sa ilalim ng Personnel Holding and Accounting Section ng distrito.

Hindi ibinunyag ng NPD ang kanilang mga pagkakakilanlan.

“All pertinent documents and pieces of evidence gathered during the initial investigation have already been submitted to ensure transparency and accountability,” dagdag pa nito.

Maaalalang inaresto si Dela Rosa sa isang convenience store dahil sa umano’y paglabag sa Presidential Decree 1602, ang batas sa ilegal na sugal noong Hulyo 25.

Sa kabila nito, ilang araw umanong nakulong si Dela Rosa sa Caloocan Substation 2 bago isinampa ng mga awtoridad ang kaso.

Sinabi ng kanyang kampo na plano rin nilang ituloy ang mga reklamong kriminal laban sa mga sangkot na pulis. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here